Linggo, Abril 10, 2011

     Nakakamiss nga naman ang buhay elementarya. Kaka-graduate ko pa lang sa elementarya, namiss ko agad ang mga kaklase ko, pati na ang mga guro ko. Naaalala ko pa, noong mga unang araw namin sa grade six, ang bait ng lahat kasi lahat kami takot sa adviser namin, walang gumagawa ng pagkakamali, pero noong tumagal na, lagi na kaming napapagalitan ng adviser namin kasi puro kalokohan ginagawa ng mga kaklase ko, damay tuloy kaming lahat. Lagi kaming pinagsasabihan ng mga teachers namin pero hindi pa rin sila nadadala. Kulang na lang isuka kami ng lahat ng teachers namin kasi ayaw na nila kaming turuan. Lagi nga kaming kinu-kumpara sa lower sections eh, kabisado na namin ang mga linyang galing mismo sa mga teachers namin tulad ng, "Kayo ang worst batch na nahawakan ko sa __ na taong pagtuturo ko dito sa paaralang ito!" pati na rin ang "Mas malala pa kayo sa section Ruby", "Mas magaling pa sa inyo ang section Emerald". Minsan, nakakasakit ng dibdib pero 'yun ang katotohanan. Pero kahit anong pangaral sakanila di pa rin nila magawang magbago, di ko alam kung bakit. Namiss ko rin ang mga kaklase kong nag-uumpukan tuwing wala 'yung adviser namin. Nandyan ang mga girls na pinag-uusapan ang latest gadgets ngayon pati na rin si "CRUSH". Sa isang banda naman ay ang mga boys na walang ibang ginawa kundi kumanta, pag-usapan ang DOTA, Crossfire at kung anu-ano pa.

     Dahil maliit lang ang paaralan namin, hindi ganoon kalaki ang espasyo ng canteen para sa lahat ng estudyanteng nag-aaral doon, kaya't ang tinda ng canteen ay inilalagay sa tray at itinitinda sa bawat kwarto. Ang oras ng recess para sa mga kaklase ko ay oras ng pag-uumpukan at oras ng "Ma'am, May I go out?". Para sakanila, ito ang oras para libutin ang buong school at magpadulas sa hawakan ng aming hagdanan na akala mo'y unang beses silang nakapasok sa paaralang iyon. Kapag nalibot na nila ang buong school doon palang sila pupunta sa CR para gawin ang dapat nilang gawin, pagkatapos noon, 'di pa sila tapos.. tatapat sa salamin, ilabas ang colored hair wax, ipahid sa buhok gamit ang kamay at doon palang sila aakyat muli sa room para magklase. Yan ang everyday routine ng mga kaklase kong magagaling. Pero kung sa tutuusin nasa batch namin ang nag-aangat sa paaralan namin. Nandyan ang dalawang gymnastics na pambato ng NCR sa palarong pambansa, ang   3rd Honor na Chess Champion, Ang Cheerdancers na 2nd place sa MILO, Ang magaling mag-applique na 1st place sa district level at 2nd place sa division level, ang photojournalism student na 2nd place, ang Feature Writer na 8th place, Ako, na 2nd place sa basic encoding sa district level, ang 3rd runner-up sa Ms. Science Camp, division level, anu pa ba ? kahit kami ang WORST batch, kami naman ang nagpapanalo sa paaralan.
     Noong nalalapit na ang aming pagtatapos, puspusan na ang pag-ensayo para maging maayos at maganda ang aming pagtatapos. Ang top 10 ay nasa harap at nakaupo sa stage at kitang-kita ng kanilang mahal na magulang. Bawat kilos namin ay praktisado, Ultimo ang palakpak. Ngunit dahil din sa palakpak na iyon, isang insidente ang hindi ko inaasahang mangyari. Tinawag ang pangalan ng top 10 mula sa mag-aaral na nakakuha ng ika-sampung karangalan. Nakakarinding palakpak ang maririnig mo sa tuwing tatawagin ang pangalan ng top 10, lalo na noong umabot sa mag-aaral na nakakuha ng ikalawang karangalan, pang-Araneta ang palakpak ng buong baitang, tuwang-tuwa ang mga guro, sabi nga noong adviser namin "Hay salamat! Nabuhay din kayo" dahil nga lumakas ang palakpak ng buong baitang. Ngunit pagdating sa'kin, hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari. Pagtawag ng pangalan ko, (ANG BATANG NAGKAMIT NG UNANG KARANGALAN, CLARABELLE ELYSSE L. JATULAN).. ang palakpak na narinig ko ay parang pumapatay lang ng lamok. 'Di ko alam kung anong iisipin ninyo, kung OA ba ako? or what?.,.. pero hindi ako tumayo, nasaktan ako dun, may favoritism ang buong klase. iyon ang insidenteng nagpagalit nang matindi sa adviser namin. hindi ko yun inaakala.. muntik na ngang atakihin ang adviser namin sa sobrang galit eh, bakit naman kasi nila ginawa yun?. So, nagpahinga ang adviser namin sa clinic, lumabas ang principal from the principal's office, sabi nya, "WALANG NANG MAG-PA-PRACTICE, BAHALA KAYO KUNG MAGKAMALI MAN KAYO SA GRADUATION". lahat halos, nagulat. So, no choice kami kundi itigil ang practice at bumalik sa kwarto. Doon ko sila sinimulang tanungin, "Ayaw niyo ba sakin?". Mga tanong mula sa puso ko. Iyon ang oras na naglabasan kami ng sama ng loob sa isa't-isa. Nalaman ng bawat isa ang katotohanan.
     Araw na ng aming pagtatapos. Bonggacious na ang palakpak na maririnig mo mula sa lahat. Hindi na muli naulit ang nakakasakit damdamin na pangyayari. Puro iyakan ang araw na ito.. Umpisa pa lang, nakakaiyak na.. Lalo na, noong magtapos kami, Farewell ang kinakanta, lumapit ako sa bawat isa at humingi ng patawad, ganun din naman sila..

     AT DYAN NAGTATAPOS ANG BLOG NA ITO . ") STAY TUNED FOR MORE.